Bilang isang masigasig na katekista, laging naghahanap ang Alagad ng Diyos na si Carlo Acutis ng mga bagong paraan upang tulungan ang iba na mapatatag ang kanilang pananampalataya. Dahil dito, iniwan niya bilang pamana sa atin ang kanyang mga Eksibisyon na pinangungunahan ng Mga Himala ng Eukaristiya. Noong taong 2002, habang binibisita niya ang mga nakatanghal sa Meeting ng Rimini, napagdesisyunan ni Carlo na maghanda ng isang eksibisyon tungkol sa mga Himala ng Eukaristiya na kinikilala ng Simbahan. Ito ang simula ng isang matinding trabaho na ginawa niya kasama ang kanyang pamilya sa loob ng dalawa at kalahating taon. Sa bisperas ng eksibisyon, walang sinumang nag-akala na magkakaroon ng matinding epektong espirituwal ang Eksibisyong ito. Sa ngayon, ang Eksibisyon ay nakarating na sa 5 kontinente sa pamamagitan na rin ng tulong ng ilan sa mga espesyal na tao at samahan, sa pangunguna ng mga miyembro ng The Real Presence and Education na higit na nakatulong para sa ikatatagumpay ng gawaing ito.
At sa wakas, noong taong 2014, natapos na rin namin ang eksibisyon ukol sa Mahal na Birheng Maria na sinimulan ni Carlo noong 2006, datapwa't hindi niya nito natapos dahil sa sakit na lukemya na dumapo sa kanya at naging dahiilan ng kanyang maagang pagpanaw sa Langit. Ang biyaheng espirituwal ng batang Alagad ng Diyos na si Carlo Acutis ay taos na nabibigyang-sigla ng kanyang pananampalataya sa Mahal na Birheng Maria, "pinaka-mapagkumbaba at kataas-taasang nilalang" (Dante Alighieri), at sa simula pa lang, itinakda na niyang layunin na tularan ang kanyang kabutihang-loob. Para kay Carlo, ang Mahal na Birhen ang ang pinakamatayog na halimbawa ng kalinisan ng loob at wagas na pagmamahal sa Diyos.
Ang Banal na Birheng Maria ang nagpakita sa tao ng kanilang kahihinatnan sa katapusan ng mundo ng tao ng Simbahan na isang peregrino sa lupa. Alam natin na ang kabanalan ng bawat Kristiyano ay makakamtan lang sa pamamagitan ng pagkakaron ng buhay na may masihing Pananampalataya, Pag-asa at Pagkakawang-gawa. Tungkol sa tatlong katangian na ito ng buhay-Katoliko, si Maria, ayon sa sulat ni Carlo, "ay isang katanig-tanging huwaran at ang ipinakita niyang pananampalataya na pinagtitibay ng kanyang walang humpay na pagmamalasakit sa kapwa, ay makatutulong upang bigyan tayo ng lakas ng loob na ipapatuloy ang ating paglakad sa ating landas patungo sa kabanalan sa kabila ng ating kahinaaan."
Sa pagdinggin ni Maria sa mensahe ng Anghel na naghatid sa kanya ng balita tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas na siyang magtitibay ng Kaharian na walang katapusan at kasunduan sa pagitan ng Diyos at ng tao, sa pamamagitan ng kanyang "oo", ibinigay sa atin ni Maria ang pinakainam na imahe para gamiting huwaran ng ating buhay. Isang dakilang bunga ng kanyang desisyon na maging instrumento sa plano ng kaligtasan ng Diyos ay ang pagtatalaga sa kanya bilang ina ng sansin.ukob: "Dahil dito siya ay naging Ina ng grasya para sa atin" (LG, 61) Sa kanyang pakikiisa kay Kristo at pagsunod sa Ama, nakatulong si Maria, sa paraang katangi-tangi at hindi na mauulit, na makamtan ang kaligtasan ng buong sangkatauhan. Sa kanyang pagnanangis habang minamasdan ang unti-unting pagkamatay ni Kristo sa Krus "nagkaroon siya ng espesyal na kontribusyon sa disenyo ng Tagapagligtas" (LG,61). Dahit dito, lubos nating mauunawaan ang dahilan kanyang walang-humpay na pagpupursigi na suportahan ang mga pagpapakita ng Mahal na Birhen na katulad ng maningning na mg bituin, ay nagbigay ng liwanag sa loob ng dalawang libong taon sa landas ng napakaraming tao.
“Naniniwala ako - ayon kay Carlo - na ang mga himala na ginawa ng Mahal na Birhen sa kanyang mga aparisyon sa lupa ay maaaring magbigay ng malaking tulong upang palaguin ang Pananampalataya ng maraming tao…Paano nila nagagawang balewalain - madalas niyang itinatanong sa kanyang sarili - ang mga pagsamo na ibinibiay sa atin ng Mahal na Ina?” "Ngunit, sa kabila nito - ayon pa rin sa kanya - dahil alam ng Mahal na Ina ang kahinaan ng ating Pananampalataya, ninais niya na magsagawa ng napakaraming himala upang tulungan tayo na magkaroon na matibay na paniniwala, ngunit sa kabila ng napakaraming pruweba na ibinigay Niya, marami pa rin ang hindi natitinag!"
Ayon kay Carlo "maraming tao ang naghahanap ang senyales mula sa Langit upang patatagin ang kanilang pananampalataya, ngunit higit na mas marami ang ni hindi man lang hinahanap ito at kung sakaling matagpuan nila ang senyales na ito, sadyang binabale-wala nila ito dahil lubha silang nabubulag sa mga materyal na bagay sa mundo. Samantala, kahit kailan, hindi nawalan ng pag-asa si Carlo dahil sa puso niya, masigasig at patuloy siyang naniniwala at umaasam na darating ang panahon na kung saan bubuo ng mga pangyayari ang mga Anghel de Guardia na magbubukas sa mga mata ng mga hindi naniniwala sa Diyos at magiging dahilan upang magsimula sila ng buhay na naaayon sa Kanyang mga Alintuntunin. Umaasam kami, katulad ni Carlo, na sa pamamagitan ng pagtatanghal na ito, muling matatagpuan ng tao ang landas papunta sa Panginoon at magbigay-liwanag rin sila sa sinuman na nananatili pa sa kadiliman.