ANG ROSARYO ANG PINAKAMAIGSING HAGDAN
PARA UMAKYAT SA LANGIT
Lubos ang pag-ibig ni Carlo sa Mahal na Birhen at katulad ng inaasahan, hindi siya nakalilimot sa oras ng araw na tinatawag niyang "pinakamagiting na bahagi ng kanyang araw": ang pagdarasal ng Santo Rosaryo. Mula pa noong bata, napagtanto na ni Carlo na si Maria ang pinakamainam na pinto upang pumasok at maging isa kay Hesus. Sa mga pangalan na ginagamit sa pagpuri sa Mahal na Birhen at sa mga Santuwaryo na inihahandog sa kanyang pangalan, ang Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Pompei ang nagkaroon ng pinakamalaking bahagi sa buhay ng binatilyo. Sa Santuwaryong ito, lubos na malapit ang pamilya at kamag-anak ng ina ni Carlo dahil dalawa sa mga ninuno nila ay Santo: Giulia Salzano at Caterina Volpicelli na parehong lubos na malapit sa Beato Bartolo Longo, ang nagtatag ng Santuwaryo ng Pompei. Ang debosyon na ito sa Mahal na Birhen ay nararamdaman sa pamilya ni Carlo mula noong bata pa siya at siguradong naging malaki ang impluwensiya nito sa buhay niya.
ILANG BAGAY TUNGKOL SA KASAYSAYAN
Ang pinanggalingan ng Rosaryo ay napaka-antigo. Pinaniniwalaang nagsimula ang paggamit nito noong ika-12 siglo, kung kailan ilan panahon na rin na dinadasal ito ng mga monghe ng Kartesyano. Sa loob ng maikling panahon, kumalat ang uri ng pagdarasal na ito sa buong mondo ng katoliko, at nagkaroon ito ng iba't-ibang mga katangian, ngunit ang pagdarasal sa Mahal na Ina ay patuloy na natili. Ang katanyagan ng Rosaryo ay mapapatunayan sa mataas na bilang ng mga bukluran at samahan na, mula pa noon hanggang sa kasalukuyan, at nagdadala ng pangalan nito. Ang pagdiriwang bilang pagpuri sa Mahal na Ina ng Rosaryo ay ginaganap tuwing ika-7 ng Oktubre. Ang araw na ito ay itinakda ng Papa Gregorio XIII sa pamamagitan ng pagpapalit sa araw ng Santa Maria de la Victoria na itinakda ng nanguna sa kanya na si San Pio V upang gunitain ang tagumpay sa Lepanto ng armadang Kristiyano laban sa mga Turko na nagbabanta sa baybayin ng Veneto.
Ang pagdarasal ng Ave Maria ayon sa kasalukuyang kayarian nito, ay lumaganap rin salamat sa mga monghe ng Kartesyano. Kung ang pagpupugay ni Isabel sa Anghel ay antigo, ang pangalawang bahagi ng dasal na ito ay mas bago. Sa katunayan, ang pananalanging: "Sancta Maria, ora pro nobis" ("Santa Maria ipanalangin mo kami") ay unang lumabas sa isang kasulatan ng mga Kartesyano noong ika-13 siglo. Noong ika-14 na siglo, matatagpuan ang mga pagbabago sa isa pang kasulatan ng mga Kartesyano: "Ora pro nobis pecctoribus. Amen" (Ipanalangin mo kaming mga makasalanan. Amen"), kung minsan sinasamahan ng "Mater Dei" ("Ina ng Diyos") pagkatapos ng Maria. At sa huli, bandang 1350, sa isa pa ring kasulatan ng mga Kartesyano: "Nunc et in hora mortis. Amen." ("Ngayon at sa oras ng [aming] kamatayan. Amen.").
AYON KAY CARLO
SUNOD SA BANAL NA
EUKARISTIYA,
ANG BANAL NA ROSARYO
PINAKAMALAKAS NA
SANDATA
UPANG LABANAN
ANG DEMONYO